Like this site? +1 us!

Pinoy Jokes

 Pinoy Jokes and Funny Quotes

 Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.
Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"
Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!"
ulit ni Ngongo, "Ale, mango!"
Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango at nabasag.
Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!"

ALITAPTAP
Anak: Tatay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!
Tatay: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita.
(Pagpatay sa ilaw, dumating ang mga alitaptap...)
Anak: Hala ka, Tatay, nagdala sila ng flashlight!

SI JUAN AT PEDRO SA BARKO...
JUAN: pareng Pedro diba isa lang arko ng barkong ito?
PEDRO: oo pare bakit?
JUAN: paano kung dumating ang isang bagyo anong gagawin mo?
PEDRO: edi ihuhulog ko yung arko para hindi lumayo ang barko
JUAN: paano kung dumating uli yung isa pang bagyo?
PEDRO: edi ihuhulog ko yung pangalawang arko..
JUAN: paano kung dumating yung ikatlong bagyo?
PEDRO: ihuhulog ko yung ikatlong arko pare
JUAN: ha? diba isa lang arko ng barko pare saan ka nakakuha ng dalawa pang arko?
PEDRO: ikaw pareng Juan saan ka nakakuha ng mga bagyo mo?


Anak: Inay, gusto ko, ngayong birthday ko, espesyal, ha. Dapat ‘yung message mo sa akin, ma-touch at maiiyak ako.
Inay: Anak, ampon ka.

Boy: Nay! Muntik na ako maging top one sa klase!
Nanay: Bat mo naman nasabi?
Boy: Ini-announce kasi kanina yung top one sa klase. Ang tinuro ni ma'am yung katabi ko......Muntik na ako!

INA:anak tawagan mo nga tatay mo,tanungin mo bakit wala pa siya hanggang ngayon.
ANAK:cge nay! . . . .nay babae naman ang sumagot
INA:lintik!sbi q na nga, may tinatago yang tatay mo, eh! Anong sabi?
ANAK: "You only have one peso in your account..."
Hindi ko natinapos, Nay, mukhang matapobre, eh!

Anak: Nay, bakit po Victoria pangalan ni ate?
Nanay: E kase dun namin sya ginawa ng tatay nyo.,
Anak: ahhhhh, eh bakit si kuya, Anito?
Nanay: Tumigil ka na nga Luneta, hala tawagin mo na si kuya FX mo

Katapusan Na
Lumindol ng malakas noon. Nagkagulo ang lahat at nag panic!
Sigaw ng isang lalaki: "Katapusan na! Katapusan na!"
Sumagot ang isa rin lalaki: "Tanga! Akinse pa lang ngayon"!

BIRD
GIRL: Ang puti ng bird mo!
BOY : Abasyempre! Likas papaya ata gamit ko dyan!
GIRL: Ginagamitan mo din ba ng downy?
BOY : Bakit, bango ba?
GIRL: Lambot eh!

hu can...
titser: hu can give me a sentence?
Pedro: My teacher is beautiful, isn't it?
titser: very gud! tagalugin mo nga!
Pedro: Si titser ay maganda, hindi naman di ba?

GENIE: bibigyan kita ng isang kahilingan.
ALING DIONISIA: talaga? gusto ko gumanda!
GENIE: buksan mo ang bote....
ALING DIONISIA: tapos? gaganda na ako?
GENIE: hindi! babalik na lang ako!

BOY1: isosoli ko tong nabili kong DVD pare.
BOY2: bakit pare? anong problema?
BOY1: Walang picture, tsaka sound. Sayang. Suspense thriller pa yata to. Tsk, tsk...
BOY2: Ano bang title nyan?
BOY1: "The Lens Cleaner"

BOB ONG vs VICE GANDA
BOB ONG: Bakit pa sila maghihiwalay kung magkakabalikan din sila? Para lang silang naggagaguhan....
VICE GANDA: Ay! Hindi hindi. Alangan namang magkabalikan sila ng sila pa? yun ang naggagaguhan!

Pinoy Text Jokes and Tagalog Funny Jokes
 
 
Copyright © Tagalog Love Quotes
Blog Sitemap Contact and Private Policy