Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap,
mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling
mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa
paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e
nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "
"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
“Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.”
“Babae,wag mo spoonfeeding asawa mo, magiging mahina siya… Wag Ka din dumipende sa kanya,pag iniwan ka, kawawa ka.”
“Nakakatakot nga na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin, o mapagkamalian kang mahalin dahil sa itsura mo.”
“Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.”
“Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan, isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”
“Sa kolehiyo, maraming impluwensya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.”
“Sa kolehiyo, maraming impluwensya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.”
“Ang kakulangan ng katauhan ko, pinunan ko ng pagiging makatao.”
“Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.”
“Mahirap isipin ang mga bagay na kung ikaw mismo e hindi mo maipaliwanag sa sarili mo….”
“Walang bayaning makapagliligtas sa akin dahil ang pinakamalaking kalaban ko ay ang sarili ko.”
"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay
kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay
katotohanan. "
"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang
nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang
umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan
ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga
araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay,
sarap!)."
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok
sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang
napatunayan at bait sa sarili."
Tagalog Bob Ong Quotes Pinoy Love Quotation